wala lang. nais ko lang subukang magsulat gamit ang sarili nating wika hehe. medyo mahirap siya ha. paumanhin na lang sa mga taong makakabasa ng sulat (?) kong ito. wala lang ako sa aking katinuan. buhat marahil ng impluwensya ng aking mga mahal na kaibigang sina shayne at ange. sila ang nagpasimuno ng pagsasalita sa Tagalog bago kami lumisan ng unibersidad. :)
tunay ngang napagod kami nitong mga nakaraang araw. pinaghalong pagod at kasiyahan naman. sa kasalukuyan nga'y gumagawa ako ng aming proyekto sa FINAMA2 na ipapasa na bukas hehe. ngunit naisipan ko munang magpahinga sandali at magsulat. ano ba to? pakiramdam ko'y wala akong sinasabing matino. :)
mayron lamang akong isang katanungan. naniniwala ba kayo sa mga senyales? pasensya na, nagugulumihanan lamang kasi ako. kani-kanina lamang ay humingi ako ng isang senyales tungkol sa isang bagay. marahil dahil sa alam kong malabo itong mangyari sapagkat may katagalan ko na rin itong di nakikita o naaabutan. ngunit sa isang iglap lamang ay ayan na. hay... paumanhin, wala talaga akong sinasabing matino. hehe. :)
marahil senyales na rin ito na ako'y dapat nang magpatuloy sa paggawa ng proyekto. :) hanggang sa muli mga kapatid! :) dapat tayong maging masaya kahit ako'y nalungkot nang bahagya kanina hehe! :) pagpalain nawa kayo ng Panginoon! :) magingat kayong lahat lageh. :)
*pasensya na sa mga pagkakamali dito hehe. nahihirapan talaga ako magsulat ng buo sa Tagalog. :)
Posted at 07:36 pm by babygail7